Ang mga bata ay may mga musmos na pagiisip. Sila ang higit na nangangailangan ng kalinga at pangaral upang matuto sa kanilang buhay na tatahakin.

Hindi dapat sila inaasahan na magbanat ng buto o magtrabaho para kumita ng pera upang makatulong sa pangaraw-araw na gastusin, bagkus ay dapat silang alagaan at siguraduhing may malakas na pangangatawan lalo sa kanilang murang edad.

Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon at paglalaro ay ilan pa sa kanilang mga karapatan ng sa gayon ay maging maayos ang kanilang kinabukasan.

Pero ang masakit dito ay may ilang mga kabataan na hindi nagkakaroon ng pagkakataon na matamasa ang pagigigng bata dahil sa hirap ng buhay.
Image Image
Gaya na lang ng 10-anyos na batang kinilala bilang si Xiao Ying, sa murang edad ay siya na ang tumatayong magulang para sa kaniyang 2 nakababatang kapatid.

Nakatira sila sa maliit na baryo ng Nantang sa Gaozhou, China. Lumaki sa hirap sila Xiao Ying kaya naman hindi na kanais-nais ang kaniyang mga napagdaanan.

Nagsimula ang lahat ng ito ng pumanaw ang kaniyang ama dahil sa malubhang karamdaman at nang di kalaunan ay iniwan din sila ng kaniyang ina sa kanilang tiyuhin.

Ngunit imbis na panghinaan ng loob ay naging matatag si Xiao at nangakong balang-araw ay magiging maganda din ang kanilang buhay at hindi kailanman pababayaan ang kaniyang mga kapatid. imageTinangkang ampunin ng kanilang tiyuhin ang mga kapatid ni Xiao ngunit tumanggi ito. Mas gugustuhin niya umanong itaguyod ang mga kapatid kaysa sila'y magkahiwa-hiwalay. image Batid niyang hindi ganoon kadali ang kaniyang gagampanang responsibilidad ngunit determinado siyang panindigan ang kaniyang pangako na mapanatiling buo ang kaniyang pamilya.

Bilang nakatatandang kapatid, araw-araw abala si Xiao sa pagaasikaso sa dalawang paslit. Mula sa pagpapaligo at pagaasikaso ng kanilang makakain hanggang sa paghatid at sundo sa mga ito sa eskwelahan. image Nais niyang makatapos ng pag aaral ang mga ito dahil alam niyang ito ang magiging daan, upang maging maayos ang kanilang kinabukasan. image Tunay namang kahanga-hanga na sa murang edad ay nagawang maging positibo ni Xiao sa pagharap sa hamon ng buhay. Nawa'y magsilbing inspirasyon siya sa lahat ng mga bata o mga magulang na nakakaranas ng kahirapan.

Source:
https://www.keulisyuna.com